Description: I have always been a big fan of drag, and through it I was able to know the history and the trailblazers who made it. This is a love letter to icons who made it possible for drag to become a mainstream affair. RuPaul, Divine, and Frida Kahlo are my heroes.

Minsang sumagi sa isip,
Drag Queens kay lupit,
Maganda, minsan makisig
Kadalasan talentado, minsan tarantado
Pelukang makukulay,
Tumatabing sa utak na puno ng kaalaman,
Paano i-blend, eyeshadow na makinang
O di kaya paanong atake sa paglilipsync kay Beyoncè.
Rupaul ina ng mga homosexual ng drag,
Kay taas ng karir, kay tayog ng hangarin
Kay ganda ng mga damit na puno ng sequin,
Hesus na may make up,
Mother ang itawag sa kalbong bakla.

Alamat ng drag ay isang protesta, 
Mga bading na gustong sumigaw, 
Kulay ang naging sandigan at sandata,
Kalakip ay pangarap at paghihirap 
Pulutong ng mga taong nakibaka, 
Salot sa mata ng mapanghusgang masa.
Minsan gusto kong making drag queen,
Rumampa sa catwalk,
Mag-ayos ng buhok, maglipsync ng mga kulot,
Gumaling sa pag-acting, o snatch game rin.

Hindi patas ang mundo para sa mga drag queen,
Sa likod ng kolorete’t mga naggagandahang wig,
Buhay ay hindi puno ng kulay,
Ngunit kahit papaano’y mas masaya 
Buhay ay nagiging makulay, 
Dahil sa mga bayot na may sayang iniaalay.

Leave a comment

Designed with WordPress

Design a site like this with WordPress.com
Get started